Lalaking Nakamotorsiklo, Pinagbabaril; Todas

PATAY ANG isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang ang una ay sakay sa motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Malabon City .

Agad na nasawi sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng tama ng bala sa ‘di pa mabatid na kalibre na baril sa dibdib ang biktimang si Danilo Dela Cruz, 30, ng No. 69 Jugde A. Roldan St., San Roque, Navotas City.

Nagsasagaawa naman ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Pampano Ext., Dagat-dagatan, Longos, Malabon.

Bago umano maganap ang nasabing pamamaril ay ipinagagawa ng biktima ang kanyang baril sa “Boy Gun” shop sa nasabing lugar at nang matapos ay sumakay na ito sa kanyang motorsiklo  para umuwi na sa kayang bahay.

Hindi alam ng biktima na inaabangan siya ng suspek at pagkakita sa una ay kaagad na pinagbabaril kung saan ay hindi man lamang nagamit ang ipinagawang baril ng biktima.

Walang buhay na tumimbuwang sa kalsada ang biktima habang ang suspek ay parang walang anumang nangyari na iniwan ang kanyang pinatay.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng follow-up operation ang nasabing himpilan ng pulisya para sa ikadadali ng pag-aresto sa suspek at para malaman din kung ano ang motibo sa likod ng pamamaslang sa biktima.

(MARY H. SAPICO/ ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.