Lalaking Naka-motorsiklo, Todas sa Poste

PATAY ANG lalaki matapos sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa poste nang mawalan ng kontrol kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Dead-on-the-spot sa lugar ng pinangyarihan ng insidente sanhi ng pagkabasag ng bungo ng biktimang si Arnel del Pilar, 26, ng Np. 320 Flaviano St., Karuhatan, Valenzuela City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng M.H. del Pilar, Tinajeros ng nasabing lungsod.

Minamaneho ng biktima ang motorsiklo nitong Honda wave (8191-TH) at binabaybay ang kahabaan ng nasabing lugar pagsapit sa tulay ay biga lamang itong nawalan ng kontrol.

Dito, sumalpok sa poste si del Pilar na ikinabagsak nito at nabasag ang bungo dahilan upang agaran bawian ng buhay.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.