Lalaking naghuhugas ng kasalanan, nalunod

ISANG LALAKI ANG nalunod sa bayan ng Quezon, Isabela. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lasing na naligo si Larry Garcia 40-anyos ng Barangay Santos.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya pinilit umano nitong maligo ng dagat kahit lasing, bilang paghuhugas umano ng kasalanan subalit sa sobrang kalasingan umano ay hindi na nito nagawa pang makaahon sa dagat.

Nabatid din na hindi napansin ang paglusong ni Garcia sa dagat dahil mariin naman itong pinigilan ng kanyang mga kaanak na nag-picnic, inakala umano ng mga ito na nagtungo sa isang kubo ang biktima at doon natulog at huli na nang malamang nalunod pala ito.

Makalipas ang isang araw ay kusa ring iniluwa ng dagat sa nasabing lugar ang biktima na wala nang buhay.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.