Lalaking Ipinakulong Para Pigilang Magpakamatay, Nagbigti

ISANG LALAKI ang nagpakamatay umano sa loob ng kulungan sa Iloilo, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Jimmy Casalmer, 44 anyos.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang makita ang biktima na walang buhay sa kulungan ng Calinog Police Station.

Gamit ang bed sheet, nagbigti si Casalmer sa loob ng kanyang detention cell.

Pansamantalang ipinakulong ang biktima dahil sa pagnanasang mapigilan ito sa pagpapakamatay.

Unang nagtangkang magpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng pagtalon sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa Barangay Poblacion Ilaya noong Miyerkules.

Nabatid na nakaranas ito ng nervous breakdown kaya’t nais wakasan ang buhay.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.