Lalaki, Todas sa Warning Shot ng Pulis

TODAS ANG isang lalaki matapos mahagip ng bala mula sa warning shot ng isang pulis na rumesponde sa kaguluhan sa Caloocan City kamakalawa ng tanghali.

Dead on arrival sa Martinez Memorial Hospitan sanhi ng tama ng bala sa dibdib si Aquelino Elesterio, 55, ng Sawata ng lungsod.

Kusang loob namang sumuko sa mga kabaro si SPO1 Marvin San Juan, 45 ng Caloocan City Police.

Batay sa ulat, alas-12:45 ng tanghali, ilang kalalakihan ang naggigirian sa basketball court sa Sawata na nirespondehan ni San Juan.

Tatlong sunod na warning shot sa baba ang pinakawalan ni San Juan subalit isang bala ang tumalbog na tumama sa biktima na nakatayo malapit sa kaguluhan.

Nang bumagsak ang biktima dahil sa tama ng bala ay mabilis na dinala ni San Juan sa MMH.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.