Lalaki, todas sa tong-its

SAN JOSE DEL Monte, Bulacan – Dead on the spot ang isang lalaki, makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek na armado ng maikling kalibre ng baril sa Brgy. Muzon sa lungsod na ito.

Sa ulat na tinanggap ni Acting PNP Provincial Director P/SSupt. Fernando H. Mendez, Jr. kinilala ang nasawing biktima na si Mark Vincent Buenavista, 28 anyos, binata, residente ng Phase 1, Pabahay 2000 sa nabanggit na barangay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni P/Supt. Boy Hernandez, dakong alas-2:20 ng madaling-araw nang bigla na lamang pagbabarilin ang biktima habang nag-lalaro ng tong-its kasama ang kanyang mga kapitbahay.

Nabatid na isang lalaking nakasuot ng bonnet at armado ng baril na lulan ng kulay itim na motorsiklo ang bumaril sa binata, kung saan apat na tama ng bala ng baril ang tumama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng biktima, matapos ito’y mabilis na tumakas ang suspek.

Blangko naman ang mga awtoridad kung sino ang nasa-likod ng pamamaslang at kung ano ang motibo ng pagpatay sa binata. (TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.