Lalaki, Todas sa Hit and Run ng Bus

TODAS ANG isang lalaki nang ma-hit and run ng hindi pa kilalang driver ng pampasehrong bus habang tumatawid ang una sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Dead on arrival sa Manila Central University hospital sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Bernardo Fernandez, 50, ng Congressional Avenue, Quezon City.

Sa ulat, alas-5:45 ng umaga, tumatawid ang biktima sa EDSA sa tapat ng Honda Cars ng lungsod nang mahagip ng pampasaherong bus na hindi na nakuha ang plaka.

Sa halip na tumigil ay lalong humarurot ang bus patungong Quezon City.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang driver na nakasagasa at nakapatay sa biktima.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.