Lalaki, Todas sa 4 na kainuman

PATAY ANG ISANG lalaki matapos itong pagtulungang pagsasaksakin ng apat na kainuman nito sa loob ng bahay ng isa sa mga huli sa Malabon City Sabado ng hapon.

Dead on arrival sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng mga saksak sa katawan si Randy Valles, 34 ng C. Perez st., Tonsuya ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Resty Davac, 34, kalugar ng biktima at tatlong hindi pa nakikilalang mga kasama nito.

Sa pahayag ng anak ng biktima na si Bryle, 15, dakong alas-5:30 ng hapon, pinunta-han niya ang kanyang tatay na nakikipag-inuman sa bahay ni Davac subalit laking gulat nito nang makita si Davac na puno ng dugo ang kamay habang hawak ang isang patalim.

Nang mapansin nina Davac si Bryle ay agad na nagpulasan ang mga ito habang dali-dali namang humingi ng tulong si Bryle upang madala ang ama sa naturang pagamutan.

Kaugnay nito, inaalam na ng mga pulis ang motibo sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.