Lalaki, tinodas sa cara y cruz

PATAY ANG ISANG lalaki matapos tarakan ng kaaway habang ang una ay nagsusugal sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Namatay sa Quezon City General Hospital sanhi ng saksak sa leeg si Evanaser Marcos, 42 ng Kalayaan St., Bagong Barrio ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Reymond Cortez, 23, ng Pioneer St., Bagong Barrio ng lungsod.

Sa ulat, alas-11 ng gabi, nagsusugal ng cara y cruz ang biktima sa Kalayaan St., nang sumulpot ang suspek at walang salitang sinaksak si Marcos.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa QCGH, kung saan inaalam na ng mga pulis ang pinag-ugatan ng pananaksak.         (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.