Lalaki, Tinaga sa Tagayan, Grabe

KRITIKAL ANG isang lalaki matapos pagtatagain ng kapit-bahay habang ang una ay nakikipag-inuman sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng taga sa ulo at braso si Roberto Garde, 32 ng D. M. Compd., ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na Mac-Mac at kalugar ng biktima.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:45 ng gabi, nakikipag-inuman ang biktima sa kanilang lugar nang dumating ang suspek at walang salitang pinagtataga si Garde.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa PDMMMC.

Inaalam na ng mga pulis ang pinag-ugatan ng pananaga ng suspek.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.