Lalaki, Tinadtad ng Bala Matapos Tumestigo sa Kaso

TUTOK ANG mga awtoridad kung ang pagtestigo sa kasong kidnapping ang dahilan ng pamamaslang sa isang lalaki sa Naga City.

Kinilala ang biktima na si Edilberto Castor, 42, ng Zone 3, Concepcion Pequenia ng naturang lungsod.

Ayon sa asawa ng biktima na si Roselyn, matagal nang may banta sa buhay ng asawa matapos na tumestigo sa isang kaso nitong buwan lamang.

Naikuwento rin umano sa kanya ng asawa na may ilan nang nagsabing mag-ingat ito lalo’t mabigat umano ang binangga nito sa kaso.

Sa pagsisiyasat naman ni PO2 Norman Borbe ng Naga City Police Office (NCPO), tatlong tama ng bala sa kamay, katawan at ulo mula caliber .45 ang tumapos sa buhay ni Castor.

Sinubukan pa umanong tumakbo ng biktima subalit hindi rin ito tinantanan ng hindi nakilalang mga salarin.  (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.