Lalaki, Timbog sa Baril at Granada

KALABOSO ANG isang lalaki makaraang mahulihan ng baril at pampa-sabog sa isang checkpoint ng pulis sa Brgy. San Pedro, Bustos, Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Chief Inspector Erwin Tadeo kay PNP Provincial Director Joel Orduña, kinilala ang nadakip na suspek na si Dante Cabais Y Villoria, 50 anyos, residente sa nabanggit na barangay.

Sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong ala-1:00 ng madaling-araw nang maharang ang suspek sa naturang lugar habang lulan ng motorsiklo na walang plaka.

Nakumpiska mula sa kanyang ang isang calibre 45 baril, na puno ng bala ang magazine, isang hand granade at pitong magazine ng M16 Armalite Rifle na puno rin ng bala.

Kasong paglabag sa PD 1866 at Omnibus Election Code ang kinakaharap ng suspek na kasalukuyang nakulong ngayon sa Bustos Municipal Jail.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.