Lalaki, Tiklo sa Pagnakaw ng Baterya

KULONG ANG lalaki matapos makuha ang pinakakargahang baterya ng negosyante matapos magpanggap ang una na inutusan ng huli upang kunin ang baterya sa Navotas kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Leonardo Masipac, 37 ng Bagong Barrio, San Jose ng lungsod.

Sa ulat, alas-8 ng uma-ga, nagpunta ang suspek sa battery shop ni Ruben Fernandez sa nasabing lugar at sinabing pinakukuha na ang battery truck na pinakakargahan ni Victorino Bunson.

Dahil kakilala naman ay ibinigay ni Fernandez ang baterya sa suspek na nagmamadaling umalis.

Makalipas ang ilang sandal ay dumating si Bunson na kukuha ng baterya at dahil wala na ay sinabi ni Fernandez ang nangyari.

Agad na humingi ng tulong sa mga pulis si Bunson na naging dahilan upang madakip ang suspek subalit wala na ang baterya na naibenta na.

Inaalam na ng mga pulis kung saan ibinenta ang baterya upang mabawi.

(MARY H. SAPICO)

 

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.