Lalaki, sugatan sa pagsita sa kapit-bahay na nagdya-jumper

LUBHANG NASAKTAN ang isang lalaki makaraang gulpihin ng kanyang kapitbahay nang sitahin ng una ang huli sa pagkakabit ng “jumper” sa ibabaw ng bubong ng bahay ng biktima kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Bali ang buto sa braso at puno ng pasa at sugat sa mukha ang biktimang si Edwin Protacio, 40, may-asawa, tricyle driver at residente ng DM compound, Brgy. 73 ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan namang nakapiit sa detention cell ng Caloocan Police Stationg ang suspek na si Marvin Raniposa, walang hanapbuhay at kapitbahay ng biktima.

Base sa isinagawang imbestigayon ni PO3 Edwin Manapat, may hawak ng kaso, dakong ala-1:30 ng hating-gabi nang maganap ang nasabing insidente sa harap ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Nabatid na mahim-bing na natutulog ang biktima sa loob ng kanyang bahay nang gisingin ito ng kanyang asawa dahil may tao sa ibabaw ng kanilang bubong.

Mabilis na buma-ngon at lumabas ng kanyang bahay ang biktima at doon niya nakita ang suspek na nagkakabit ng jumper ang suspek at agad na sinabihang bawal ang ginagawa na pati sila ay nadadamay.

Sa halip na bumaba ang suspek, sinagot pa ang una nang pabalang at tinakot pa hanggang sa magkaroon ng mainitang pagsasagutan ang dalawa. Biglang tumalon ang huli mula sa bubong ng bahay at ginulpi ang biktimana hindi man lamang nakaganti.

Agad namang sinaklolohan ng kanyang misis sa tulong na rin ng ilan nilang mga kapitbahay ang biktima at mabilis na naisugod sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC) at nilapatan ng lunas. Samantala, ilang kapitbahay rin ng biktima ang humingi ng tulong sa barangay dahilan upang agad namang maaresto ang suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong Frustrated Homicide sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.