Lalaki, Sugatan sa Ligaw na Bala

SUGATAN ANG isang lalaki matapos tamaan ng ligaw na bala habang naglalakad sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa kaliwang braso si Jerry Verdida, 38, ng Phase 2, Longos ng lungsod.

Base sa ulat, alas-10:30 ng gabi, kasabay na naglalakad ng biktima ang kaibigan sa Dalagang Bukid St., North Bay Boulevard South nang mamanhid ang braso.

Nang tingnan ay dumudugo, na naging dahilan upang dalhin sa JRMMC kung saan iniimbestigahan na ng mga pulis ang nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 8700 stories on this site.

Comments are closed.