Lalaki, sinaksak ng kaaway habang natutulog

KRITIKAL ANG LALAKI matapos saksakin ng kaaway habang ang una ay natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Isinugod sa Tondo General Hospital sanhi ng saksak sa katawan si Jose Villanueva, 58 ng Lapu-Lapu St., Dagat-dagatan ng lungsod.

Nakapiit naman sa detention cell ng Caloocan police ang suspek na si Angelito Cordella, 21 ng Dagat-dagatan, Navotas.

Sa ulat, alas-12:30 ng umaga, natutulog ang biktima sa loob ng kanilang bahay nang pasukin at saksakin ng suspek.

Agad na dinala ang biktima sa TGH habang nadakip naman ang suspek ng mga barangay tanod.

Sa inisyal na im-bestigasyon, dati nang may kimkim na galit ang suspek sa biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.