Lalaki, Sabog ang Bungo sa Sumpak

SABOG ANG bungo ng isang 21-anyos na lalaki makaraang barilin ito ng improvised shotgun (sumpak) sa ulo ng kanyang mortal na kaaway sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Namatay sa lugar ng pinangyarihan ng insidente si Jaypee dela Cruz, may-asawa, tricycle driver at naninirahan sa # 8 San Lazaro St., Brgy. 180 ng nabanggit na lungsod.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng manhunt operation ang Caloocan PNP laban sa suspek na isang nagngangalang Adrian, alyas “bunso” at kalugar ng biktima.

Base sa ulat ni SPO1 Danilo B. Osias, ng Sub-Station 4 ng nasabing himpilan ng pulisya at may hawak ng kaso, bandang ala-1 ng umaga kahapon nang maganap ang nasabing insidente sa Crispulo St., Brgy. 180.

Nabatid mula sa isang saksi na nagngangalang Jonnel Villanueva, barangay team leader ng Brgy. 180, nakita umano niya na binaril nang malapitan ng suspek ang biktima na tinamaan sa ulo dahilan upang kumalat ang utak nito sa lupa.

Nang duguan na humandusay sa lupa ang biktima ay mabilis na tumakas si alyas Bunso dala-dala ang ginamit na sumpak sa hindi nabatid na direksiyon.

Nabatid pa, ang biktima at ang suspek ay mortal na magkaaway sa kanilang lugar.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.