Lalaki, pisak sa payloader

 

WALA NANG buhay at pisat pa ang ulo ng isang lalaki nang abutan ng mga rumespondeng pulis matapos na mahulog at madaganan ng mismong payloader na minamaneho nito sa may Barangay Ayala sa Zamboanga City.

Kinilala ang biktima na si Roger Cerozaga Ventura, 57, payloader operator ng isang construction company.

Base sa ulat ng mga awtoridad, minamaneho ni Ventura ang naturang payloader pa-punta sa may subdivision site sa nasabing lugar nang aksidente itong mahulog mula sa kanyang inuupuan.

Sira umano ang daanan kaya tumagilid ang payloader na naging resulta ng pagkakahulog ng biktima at hindi na rin ito nakaiwas sa pagkaipit.

Natagalan pa ng ilang oras bago naialis ang katawan ng biktima mula sa pagkakaipit nito sa payloader.

Sinisiyasat na ng mga kinauukulan kung mayroong dapat managot sa nangyaring insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.