Lalaki, Pisak sa Overloaded na Motor

PATAY ANG isang lalaki matapos itong banggain at kaladkarin ng motorsiklo na lulan ang tatlong kalalakihan na pinaghihinalaang nakainom sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima na hindi na umabot nang buhay sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC) sanhi ng mga tinamong pinsala sa katawan at ulo ay nakilalang si Victor Pagdagane, 49, empleyado, ng No. 60 F. Roxas St., 3rd Avenue, Brgy. 45 ng nasabing lungsod.

Ginagamot naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) sanhi ng mga pinsala sa katawan ang dalawang angkas ng motorsiklo na sina Patrick John Quinto, 27; at Rodolfo Gruco, III, 22.

Nasa malubhang kalagayan naman ang driver ng motorsiko na si Rodrigo Lovete, 24 taong gulang, student na kasalukuyang ginagamot sa JRMMC sanhi ng pagkabagok ng ulo sa poste ng Light Rail Transit (LRT).

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:45 ng madaling-araw sa panulukan ng Rizal Avenue Ext. at 3rd Avenue malapit sa Police Community Precinct (PCP) 5.

Tumatawid si Pagdagane sa kahabaan ng Rizal Avenue Extension nang bigla na lamang bundulin at kaladkarin ng motorsiklo na minamaneho ni Lovete.

Agad na bumagsak ang biktima sa kalsada ngunit kinaladkad pa ito ng ilang metro bago tuluyang bumangga ang motorsiklo sa poste ng LRT at tumalsik ang nagmamaneho nito at ang dalawang angkas.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.