Lalaki, Pisak sa Crane ng Cargo Ship

PATAY ANG isang lalaki matapos itong madaganan ng crane ng isang cargo ship sa Cabalian Southern, Leyte.

Base sa pagsisiyasat, ang biktima ay kinililalang si Enrico Cañete, 50 taong-gulang, laborer ng pantalan, at residente ng naturang lugar.

Ayon sa mga awtoridad, nagbubukas umano ng kahon ang biktima na ikakarga sana sa cargo ship mula sa Tolosa, Leyte ng mag-collpase ang crane at matamaan ito.

Agad namang dinala sa Anahawan District Hospital ang biktima at doon na ito binawian ng buhay.

Samantala, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga kinauukulan ukol sa nasabing insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.