Lalaki, Pinasok sa Banyo; Patay sa Tarak

PATAY ANG lalaki matapos saksakin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay naliligo sa katabing banyo ng inuupahan apartment sa Caloocan City kamakalawa ng tanghali.

Dead on arrival sa Caloocan Medical Center sanhi ng saksak sa tiyan si Marcial Gallario, 46, ng Del Mundo St., ng lungsod.

Sa ulat, alas-11:30 ng tanghali, naliligo ang biktima sa banyo na katabi ng inuupahan apartment sa nasabing lugar nang makarinig ng kalabugan ang mga kaanak ng una.

Nang puntahan ay nakitang papalabas ang biktima na may saksak sa tiyan at nang lapitan ng nakababatang kapatid ay sinabi na sinaksak umano siya ng taga-itaas na naging dahilan upang dalhin sa CMC.

Inaalam na ng mga pulis kung sino at ano ang motibo ng suspek sa pananaksak.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.