Lalaki, patay sa sinampal na karibal

DEDO ANG ISANG lalaki matapos pagsasaksakin ng karibal nang pagsasampalin ng una ang huli sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Dead on arrival sa Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Emmanuel Jose, 34, hiwalay sa asawa ng L. Lupa St., Maypajo ng lungsod.

Kusang-loob namang sumuko sa mga pulis si Josel Arroyo, 21, stay-in sa Alkaline Water Station ng nasabing lugar.

Sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling-araw, nakatayo ang suspek sa labas ng Alkaline Water Station nang lapitan ng nakainom na biktima at kumprontahin.

Sinabihan ng biktima ang suspek na tumigil na sa panliligaw sa isang Gina, bago ilang beses na pinagsasampal ni Jose si Arroyo.

Dahil sa galit at nakainom din ng alak ang suspek ay pumasok at kumuha ng kutsilyo bago binuweltahan ng mga saksak ang biktima.

Matapos ang insidente ay dinala ang biktima sa PDMMMC habang sumuko naman sa mga pulis ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.