Lalaki, Patay sa Riding in Tandem

 

UMATAKE NA naman ang riding in tandem makaraang pagbabarilin ng isa sa mga suspek ang isang lalaki habang sakay ng kanyang Nissan Urban Van sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Namatay sa lugar ng pinangyarihan ng insidente sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 baril sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si David Martin, 46, residente ng Block 12, Lot 46, Natividad Village ng nasabing lungsod.

Base sa ulat ni SPO1 Joselito Delos Reyes may hawak ng kaso, bandang alas-10 ng gabi nang maganap ang pamamaslang sa kahabaan ng Deparo Road.

Lumalabas sa imbestigasyon ni SPO1 Reyes na nagbaba ng pasahero ang biktima sa nasabing lugar ng biglang dumating ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo, kung saan isa mga ito ay kaagad na pinagbabaril ang biktima.

Agarang kamatayan ang sinapit ng biktima habang ang mga suspek ay mabilis na tumakas sakay ng sinasakyang motorsiklo sa hindi nabatid na direksiyon.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ang pulisya ng follow-up operation laban sa dalawang suspek upang mabatid ang pagkakakilanlan ng mga salarin at ang tunay na motibo sa likod ng pagpatay sa biktima.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.