Lalaki, Patay sa Pugot

PATAY ANG isang lalaki matapos itong mapugutan ng ulo.

Kinilala ang nasabing biktimang si Benigno Satore isang iligal na minero na tubong Pantukan, Compostela Valley.

Nangyari ang nasabing insidente sa Purok. Lumanta, Brgy. Tablu, Tampakan, South Cotabato habang nagsisibak ng kahoy ang biktima sa kanilang bahay kung saan bigla na lamang itong tinaga sabatok ng di pa nakilalang salarin na naging dahilan ng pagkamatay nito.

Ang biktimang si Satore ang pinaniniwalaang sangkot sa illegal na mining sa Barangay Tablu ng naturang bayan.

Samantala, nagpapatuloy pa ang pagsisiyasat hinggil sa responsible sa nasabing krimen at inaalam pa motibo nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.