Lalaki, Patay sa Nakasuntukan

TODAS ANG lalaki matapos barilin ng nakasuntukan sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa kanang mata si Rosanno Encarquez, 33 ng Pasco St., Tonsuya ng lungsod.

Nadakip naman ang suspek na si Reggie Lopera, 17, ng Damata, Tonsuya ng lungsod habang nakatakas ang tatlong hindi pa kilalang mga kasama.

Sa ulat, alas-7 ng gabi, kasama ng biktima ang isang kaibigan at kasakay sa jeepney ang mga suspek at pagsapit sa Lubiran St., ay pumara ang nasawi.

Pagbaba ng biktima at kaibigan ay sumunod ang mga suspek na naging dahilan upang sabihan ng nasawi ang kaibigan na tumakbo.

Paglingon ng kaibigan ng biktima ay nakitang nakikipagsuntukan na sa suspek na si Encarquez.

Nakabunot ng baril ang suspek at pinutukan ang biktima bago tumakas at sumakay ng jeepney suba-lit nakita ng isang traffic enforcer ang pangyayari na naging dahilan upang makatawag ng pulis.

Hinabol ng mga pulis ang jeepney at nang maabutan ay nadakip ang suspek at nakuhanan ng kalibre .45.

 (MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.