Lalaki, Patay sa Naka-Helmet

TODAS ANG isang lalaki matapos barilin ng hindi pa kilalang suspek na naka-helmet nang lumabas ng bahay ang una sa Navotas City kahapon ng madaling-araw.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa ulo si Arthur Merida, 32, ng Los Martirez St., San Jose ng lungsod.

Batay sa ulat, mag-isang uminom sa loob ng kanilang bahay ang biktima at dakong ala-1:00 ng madaling-araw ay naisipang lumabas.

Nakarinig ng putok ng baril ang mga kaanak ng biktima na naging dahilan upang tignan at nakitang duguang nakahandusay ang biktima sa kalsada na naging dahilan upang dalhin sa TMC.

Lumalabas na nakatalo ng biktima ang suspek na naka-helmet at tumakas sakay ng motorsiklong hindi na nakuha ang plaka.

Inaalam ng mga pulis kung nakunan ng closed circuit television na nakakabit sa katabing establisimyento ang pangyayari na posibleng makakilala sa suspek at malaman ng pinag-ugatan ng pamamaril.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.