Lalaki, patay sa mala-Pacquiao na suntok

PATAY ANG ISANG lalaki matapos itong pamalasan ng isang mala-Pacquiao na suntok ng suspek habang ang una ay naglalakad pauwi sa kanilang bahay kamakalawa ng hatinggabi sa Caloocan City.

Dead-on-arrival nang ida-ting sa Valenzuela City General Hospital, sanhi ng malakas na tama ng suntok sa bibig na iki-nabagsak nito sa semento ang biktimang si George Siapno, 30, tubong-Quezon City, ng No. 12 Malinis St., Brgy. Lawang Bato, Valenzuela City.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na nakilalang si Antonio Valdez, 36, ng No. 888 Sebastian Bldg. General Luis St., Brgy. Bagbaguin. Caloocan City na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas 12:15 ng hatinggabi nang maganap ang insidente harap ng Fil Oil Gas station na matatagpuan sa Gen. Luis St., Brgy. Bagbaguin ng nasabing lungsod.

Ayon sa saksing si Roberto Labenas, security guard ng Fil Oil gas station, nakita nitong naglalakad ang biktima ng bigla na lamang lapitan ng suspek at walang sabi-sabing sinuntok sa bibig.

Dahilan upang bumagsak sa semento ang biktima na siyang naging dahilan ng pagkamatay ni Siapno.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas si Labenas sa ‘di malamang direksiyon habang ang biktima ay dinala sa nasabing pagamutan subalit idineklara na rin itong patay ng doktor.         (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.