Lalaki, patay sa ‘love triangle’

LOVE TRIANGLE ang sinasabing motibo ng pamamaslang sa isang lalaki makaraang pagbabarilin ng isang hindi nakikilalang killer sa Caloocan City, iniulat ng pulisya kahapon.

Si Ace Ballesteros, 31, nakatira sa Phase 1, Package 1-B, Lot 13, Bagong Silang ng nasabing lungsod, ay kagaad na namatay sa lugar ng pinangyarihan ng insidente sanhi ng mga tama ng bala ng cal. 9mm sa dibdid at mukha.

Mabilis namang tumakas ang suspek na nakasuot ng puting bull cap, puting jacket at brown na short.

Sa report ni P/ Chief Inspector Eduardo Villanueva, Deputy ng Sub-Station 3, bandang alas-11:40 ng gabi nang mangyari ang krimen sa loob ng bakuran ng biktima.

Nabatid na nanonood ng TV si Ballesteros kasama ang live-in partner na si Catalina Noriaga nang may tumawag sa pangalan ng lalaki.

Lumabas ng bahay ang biktima at binuksan ang kanilang gate upang harapin ang tumatawag sa kanya at walang sabi-sabi ay pinagbabaril na ang biktima na nagresulta sa agarang kamatayan ng una at pagkatapos ay mabilis na tumakas ang salarin.

Sa inisyal na imbestigasyon ni Villanueva, love triangle ang sinisilip na motibo sa pagpaslang sa biktima.

Napag-alamang bago nagsama sina Ballesteros at Noriaga ay may ibang kinakasama na ang nasabing babae.

Pinatunayan naman ito ng ina ng biktima na si Aling Lolita na nagpayo rin sa anak na hiwalayan na si Noriaga, pero hindi siya sinunod.

Naulila ni Ballesteros ang apat na anak.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.