Lalaki, Patay sa Lasing na Kalugar

PATAY ANG isang lalaki matapos mapagtripang saksakin ng lasing na kapitbahay sa Malabon City kamakalawa ng umaga.

Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa dibdib si Efren Bilbao Nuñez, 50 ng Tonsuya ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Arnold Lusada, 50, at kalugar ng biktima.

Batay sa ulat, ala-1:15 ng umaga, nagpapahangin sa ta-

pat ng kanilang bahay ang biktima nang madaanan ng lasing na suspek na walang salitang sinaksak si Nuñez.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa PDMMMC.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.