Lalaki, patay sa kinang ng ginto; 2 pa, kritikal

 

NAUWI SA kamatayan ang paghahangad ng kayamanan ng isang lalaki habang sugatan ang dalawa nitong kasama sa bayan ng Angaduan, Isabela.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktimang si Zoilo Soliven Jr,. 31 anyos ng Barangay Barancuag habang ginagamot naman ang dalawang kasama nito na humiling na itago ang pagkakakilanlan.

Sinasabing naghuhukay ng ginto ang tatlo sa nasabing lugar subalit gumuho ang lupa kaya naman nabaon ang mga ito.

Natabunan si Soliven nang gumuho ang lupa sa kanyang pag-ahon. Inabot ng ilang oras bago natagpuan ang kanyang bangkay.     (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.