Lalaki, Patay sa Hinahatak na Truck

TIGOK ANG isang lalaki matapos magulungan ng hinahatak ng truck habang ang una ay papatawid sa Malabon City kahapon ng mada-ling-araw.

Dead on arrival sa Pagamutang Lungsod ng Malabon sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Abe Idio, 34 ng Avocado road, Potrero ng lungsod.

Nakakulong naman sina Jose Sayno, 42, ng Bocaue; at Isagani Narciso, 32, ng San Idelfonso, kapwa ng Bulacan.

Batay sa ulat, dakong alas-12:10 ng madaling-araw, hinahatak ni Sayno dala ang Tructor Head (RFE-712) ang Isuzu Truck (RHG-606) na dala ni Narciso pagsapit sa MacArthur Highway, Potrero ng lungsod ay tumawid ang biktima sa pagitan ng dalawang nasabing sasakyan.

Tumama ang biktima sa bakal na ginamit sa paghila na naging dahilan upang matumba at magulungan ng Truck.

Dinala ang biktima sa PLM habang sumuko sa mga pulis ang dalawang driver ng mga nasabing sasakyan.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.