Lalaki, Patay sa Diskusyon sa Suspensiyon ni Recom

MAAGANG KINUHA ni kamatayan ang isang 53-anyos na lalaki makaraang saksakin ng kanyang kapit-bahay matapos ang isang mainitang pagtatalo hinggil sa ginawa ng huli na sumabad sa pakiki-pagtalo ng una sa isa pang kapit-bahay hinggil umano sa suspension order ni Caloocan City Mayor Rico “Recom” Echiverri kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Patay na ng dalhin sa Nodado Hospital ang biktimang si Ananias Baro, 53, ng Doña Ana Subd., Camarin ng nabanggit na lungsod.

Kaagad namang naaresto ng mga barangay tanod ang suspek na si Julius Aring, 19, walang hanapbuhay, at kapit-bahay ng biktima.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Noli Albis, may hawak ng kaso, dakong alas-7 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa Block 6, Doña Ana Subdivision.

Nabatid na bago umano maganap ang pananaksak, ang biktima ay kasalukuyang nakiki-pagtalo sa isa pang kapit-bahay hinggil umano sa pagkakasuspindi ni Echiverri.

Sa pakikipagdiskusyon ng biktima ay sumabad sa usapan ang suspek na ikinagalit ng biktima na humantong sa pakikipagpalitan nito ng suntok sa una.

Kaagad namang inawat ng ilang kapit-bahay ang dalawa, subali’t nang mapaghiwalay, mayroon nang tama ng saksak sa dibdib ang biktimang si Baro.

Mabilis na dinala sa nasabing pagamutan ang biktima, subali’t hindi na umabot ng buhay habang ang suspek naman ay mabilis na inaresto ng mga barangay tanod sa kanilang lugar.    (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.