Lalaki, Patay sa Anak ng ‘Demonyo’

TODAS ANG 19-anyos na binata matapos barilin sa ulo ng anak ng ‘demonyo’ kasama ang dalawang di-pa kilalang suspek habang ang una naglalakad kasama ang tiyuhin sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.

Dead-on-arrival sa Tondo Gen. Hospital sanhi ng tama ng bala ng baril sa ulo ang biktimang si Albert Lopez, ng 3rd Avenue ng nasabing lungsod.

Tugis naman ang pulisya ang suspek na si Jerico Agustin, alyas ‘Junior Demonyo’, ng BMBA Compound Brgy., 120 ng nasabing lungsod na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Ayon kay P/Supt. Ferdinand Del Rosario, Deputy Chief of Police at Public Information Officer, dakong alas-2:40 ng madaling-araw, kasalukuyang naglalakad ang biktima sa 3rd Avenue pagitan ng Maria Clara at Josefina St., ng nasabing lungsod kasama ang tiyuhin na si Louie Leano nang harangin ng mga suspek.

Dito, walang sabi-sabing binaril sa ulo ni Agustin ang biktima at pagkatapos mabilis na tumakas sa di malamang direksyon dala ang ginamit na baril sa pagpaslang.

Agad naman na dinala ang biktima ng kanyang tiyuhin sa nasabing pagamutan subalit, hindi na rin umabot ng buhay .

Inaalam na rin ng pulisya ang tunay na motibo ng suspek sa pagpaslang sa biktima.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.