Lalaki, niratrat sa tulay

 

UTAS ANG isang hindi pa kilalang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi rin kilalang suspek sa ibabaw ng tulay sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang inilarawan lang na nasa edad 35 hanggang 40 na dinala na sa Eusebio Funeral Parlor.

Batay sa saksing si Ruel Santos, dakong alas-10 ng gabi, narinig niya ang biktima na nagmamakaawa sa suspek sa ibabaw ng Lambingan Bridge sa Gov. Pascual Ave., Potrero ng lungsod.

Nagawa pang maka-takbo ng biktima subalit pinutukan ng suspek at nang bumagsak ay mu-ling pinagbabaril.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.