Lalaki, niratrat sa loob ng bahay, patay

 

PATAY ANG ISANG lalaki matapos itong pasukin sa loob ng kanyang bahay at pagbabarilin ng isang hindi pa kilalang salarin habang natutulog ang una kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Ang biktima na hindi na umabot pang buhay nang dalhin sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa ‘di pa mabatid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay si Paul Gonzales, 37, ng Pescador, Brgy. North Bay Boulevard North Navotas City.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang mga awtoridad para sa pagkakakilanlan sa suspek na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:05 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Nabatid na himbing na natutulog ang biktima sa loob ng kanilang bahay kung kaya’t hindi na namalayan ang pagpasok ng suspek hanggang sa magising na lamang ang mga kaanak nito sa mga sunud-sunod na putok.

Agad namang dinala sa nasabing pagamutan ang biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.

Inaalam na rin ng pulisya, kung ano ang tunay motibo ng suspek sa pagpaslang kay Gonzales.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.