Lalaki, Napagkamalan, Patay

DALAWANG TAMA ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ng isang lalaki makaraang barilin ng isa sa dalawang hindi nakikilalang suspek sa may pinto ng bahay ng biktima sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima na namatay sa lugar ng pinangyarihan ng insidente sanhi ng tama ng bala ng carbine sa ulo at leeg ay nakilalang si Pater Elpides, 33, ng Sitio 6, Brgy. Catmon ng nabanggit na lungsod.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng Malabon Police Station, naganap ang insidente sa pinto ng bahay ng biktima sa nasabing lugar bandang alas-4:00 ng umaga.

Nabatid na kagigi-

sing lang ng biktima nang may biglang tumawag at nang binuksan nito ang kanyang pintuan ay agad itong tinutukan ng baril sabay tanong ng isa sa mga suspek na “Ikaw ba si Michael?” na umano ay nagkakabit ng illegal tapping ng kuryente sa buong nasasakupan ng Barangay Catmon.

Itinanggi ng biktima na siya si Michael kasabay ng dalawang putok ng nasabing baril kung saan ang biktima ay tinamaan sa ulo at leeg na nagresulta sa agarang pagkamatay nito.

Sa kasalukuyan, patuloy na nagsasagawa ng masu-sing imbestigasyon ang nasabing himpilan ng pulisya upang malaman ang tunay na motibo sa likod na pagpatay at makilala ang may kagagawan ng krimen.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.