Lalaki, nalitson nang buhay sa sunog

ISANG LALAKI ANG nalitson nang buhay habang nasa 300 pamilya ang nawalan ng tahanan nang masunog ang may 100 bahay sa Barangay Princesa sa Cebu City noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ng Cebu City Fire Marshall Supt. Anderson Comar ang nasawi na si Domingo Gacasan.

Ayon kay Comar, posibleng hindi na nakalabas ng bahay ang biktima dahil himbing itong natutulog alas-10 ng gabi.

Natagpuan ang halos maabong bangkay ni Gacasan alas-2 ng madaling-araw nang humupa na ang sunog.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Gregoria Bacon sa nasabing barangay at dahil pawang yari sa light materials ay lumawak na ang apoy hanggang sa masunog ang halos lahat ng bahay sa lugar.

Sa pagtaya, aabot sa P300,000 ang halaga ng mga ari-ariang naabo.

Patuloy pa ring sinisiyasat ang ulat na bago ang sunog, isang pagsabog ang narinig ng mga residente sa lugar.       (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.