Lalaki, Nakitang Nakabigti sa Puno

ISANG LALAKI ang natagpuang nakabigti sa puno ng mangga sa tapat ng opisina ng Land Transportation Office (LTO) sa East Avenue, Quezon City dakong alas-9 ng umaga.

Sa salysay ng ng tinderang si Rosa Hermida, inakala niyang umaakyat lang sa puno ang hindi pa nakikilang lalaki, ngunit nagtaka siya nang may makitang lubid sa leeg nito. Humingi aniya siya ng tulong at iniulat sa mga awtoridad ang insidente.

Halos tatlong oras din ang inabot bago naibaba ang lalaki, gamit ang crane ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Tinatayang nasa 30-anyos ang lalaki na nakasuot ng maong na shorts.

Dinala naman punerarya ang biktima habang inaalam kung may foul play sa pagkamatay nito.

(PARAZZI REPORTORIA TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.