Lalaki, Nakaligtas sa Boga ng Holdaper

DAHIL SA mabilis na pagtugon ng isang lalaki sa kapahamakan, nagawa nitong mailigtas ang kanyang buhay laban sa isa sa tatlong kalalakihan na nangholdap sa kanya sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Kinilala ni SPO1 Jun Baredo, ng Caloocan City Station Investigation and Detectrive Management Branch (SIDMB) at may hawak ng kaso ang biktima na si Mimo Cris Caliwag, 24, ng Taguig, Fort Bonifacio, Makati City.

Samantala, arestado naman ang isa mga suspek na nabaril sa paa na si Emerson, 15, out of school youth at residente ng # 406 BMBA Comp., 4th Ave, Caloocan City.

Ayon kay SPO1 Barredo, bandang alas-3:30 ng madaling-araw nang maganap ang panghoholdap ng tatlong suspek sa biktima sa hagdanan ng 5th Avenue station ng Ligth Rail Transit (LRT).

Nabatid na nakaupo ang biktima sa hagdan ng LRT at hinihintay ang textmate nang la-pitan ng tatlong suspek at sapilitang kinukuha ang kanyang cellphone subalit pumalag ang ito.

Dahil dito, isa sa mga suspek ang mabilis na tinutukan ng kalibre .45 baril sa ulo ang biktima at sa mabilis na pagtalima ng biktima ay nagawa nitong mahawi ang kamay ng suspek na may hawak na baril dahilan upang ang nasabing baril ay pumutok at nadaplisan ng bala sa mukha ang biktima.

Sa pag-aakala ng mga suspek na masama ang tama ng biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga ito dala-dala ang cellphone ng una kung saan ito ay mabilis namang nakahingi ng tulong sa mga nagpaptrolyang pulis.

Mabilis namang tumalima ang mga pulis sa tawag ng tungkulin at agad na naaresto at mabaril sa kaliwang paa ang nasabing suspek dahil lumaban ito habang ang dalawang kasamahang holdaper ay nagawang makatakas dala-dala ang cellphone ng biktima.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.