Lalaki, Nagpakamatay Dahil sa Lumang Gitara

NATAGPUAN NA lamang na wala nang buhay at nakabitin sa pader ng kanilang kapit-bahay ang 19-anyos na lalaki.

Napag-alaman na ang nasabing biktima ay isang Junie Garcis, 19, residente ng Bagong Buhay Village, Agdao, sa Davao City.

Inamin ng ama ng biktima na si Vergilio Garcis na pinagalitan niya ang kanyang anak dahil sa pagkawala ng lumang gitara sa kani-lang bahay.

Sinabi ng ama na kung hindi magbabago ang anak malaki ang posibilidad na magpantay ang kanyang mga paa.

Sinagot naman u-mano siya ng anak na talagang mamamatay nga ito.

Kamakailan, nakita na lamang ng kapit-bahay ang biktima na may dalang ludid ngunit hindi nila pi-nansin sa paniwalang wala namang itong masamang binabalak.

Samantala, dakong alas-5:00 kahapon ng umaga nang bigla na lamang makita ang wala nang buhay na katawan ng biktima na nakabitin sa pader.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.