Lalaki, Nagbigti Dahil sa Pakikipagtalo sa Ka-Live-in

PATAY ANG isang lalaki matapos magbigti sa loob ng kanilang bahay nang makatalo ang ka-live-in sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Bernardino Hospital si Felicito Abad Jr., 25, negosyante ng mga scrap materials at residente ng NPC, Area 1, Talipapa ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6 ng gabi nang makitang na-kabigti ang biktima ng cable wire sa kanilang sala sa nasabing lugar ng kanyang amang si Felicito Sr.

Agad na kinalag sa pagkakabigti bago dinala sa nasabing pagamutan ang biktima subalit hindi na umabot nang buhay.

Lumalabas na bago nagbigti ang biktima ay nakatalo ang ka-live-in na hindi na nakuha ang pangalan sa hindi pa batid na kadahilanan.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.