Lalaki, Lasog sa Hit-And-Run

PATAY ANG isang lalaki matapos na ma-hit-and-run ng isang kotse sa McArthur Hi-way, Brgy. Bulihan, Malolos City.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Supt. Dave Poklay, Malolos City Police chief, nakilala ang biktima na si Rodolfo San Diego, 31 anyos, may-asawa at residente ng 209 San Marcos, Calumpit, Bulacan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, papauwi na umano ang biktima lulan ng kanyang tricycle na may plate number QL-4897 nang biglang siyang banggain ng kotse sa kaliwang bahagi na siyang naging dahilan ng pag-ikot at paghampas sa kalsada ng sinasakyang tricycle.

Sa kabila nito, hindi man lamang huminto ang driver ng kotse, sa halip matuling pinaharurot niya ito papalayo.

Ayon sa nakasaksi, sa lakas ng pagkakabunggo, tumilapon ang biktima sa kalsada.

Agad naman dinala ang biktima sa Bulacan Medical Center para sa agarang lunas ngunit namatay bandang alas-3:15 ng umaga.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.