Lalaki, Kulong sa Isda

KULONG ANG isang lalaki matapos tangayin ang mga isda ng kalugar na tindera sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Menard Rey Mahilum, 33 ng Shelter Ville, Bagumbong ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Merlie Cabreros, 32, at kalugar ng suspek, ala-1 ng umaga nang tangayin ng suspek ang kanyang mga panindang isda na aabot sa P2,000 sa talipapa ng nasabing lugar.

Isang kaibigan ang nagsabi sa biktima na nakita ang ginawa ng suspek na naging dahilan upang isumbong sa mga barangay tanod.

Nadakip naman ang suspek sa isinagawang follow-up operation subalit hindi na nabawi ang mga isda.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.