Lalaki, Kritikal sa Trip ng mga Bangag

KRITIKAL SA pagamutan ang isang lalaki makaraang pagtripang bugbugin ng ilang bangag na kalalakihan habang ang biktima ay naghihintay ng masasakyan sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng Caloocan City Police Station ang biktima na si Jonathan Balaoro, 26, may-asawa, empleyado, at naninirahan sa 10th Avenue ng nabanggit na lungsod.

Base sa ulat ng Caloocan City Police Station, ang insidente ay naganap sa harap ng nasunog na Old Ever Gotesco Grand Central dakong alas-4:00 ng umaga kahapon.

Nabatid na nag-aabang ang biktima ng masasakyan sa naturang lugar nang lapitan ito ng ilang kalalakihang vendor na pawang bangag sa droga at walang sabi-sabing pinagtulungan ang biktima.

Pinagpapalo ng matigas na bagay ng mga suspek ang ulo at batok ng biktima at hindi pa nasiyahan ay tinusok pa ang mata at ilong ng biktima ng pinakatulis na payong dahilan upang ang nagkaroon ng malaking pinsala ang biktima.

Ilang mga barangay tanod sa nasabing lugar ang kaagad na rumesponde at naisalba ang biktima sa tiyak na kamatayan kung saan ang mga suspek ay naa-resto.

Ang biktima ay kasalukuyang nakaratay sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.