Lalaki, Kritikal Sa Riding-In-Tandem

KRITIKAL ANG isang lalaki matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi pa kilalang mga suspek sakay ng motorsiklo sa Valenzuela City kamakalawa ng umaga.

Inoobserbahan sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Narciso Beljica, 44 ng Donesa St., Canumay West ng lungsod.

Sa ulat, alas-8 ng umaga, naglalakad ang biktima sa Lawang Bato ng lungsod ang biktima nang lapitan at putukan ng isa sa mga suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklong hindi na nakuha ang plaka habang dinala naman ang biktima sa VGH.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.