Lalaki, Kritikal sa Anak ng Demonyo

KRITIKAL ANG isang lalaki matapos pagbabarilin ng alyas ‘Junior Demonyo’ at hindi pa kilalang kasama habang ang una ay nakasalampak sa kalsada sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Carlos Ocampo, 37, ng BMBA Compd., 2nd Avenue ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek at isang hindi pa kilalang kasama.

Batay sa ulat, dakong alas-12:15 ng madaling-araw, nakasalampak sa kalsada sa Josefina St., 3rd Avenue ang biktima nang lapitan ng mga suspek at pagbabarilin.

Matapos ang insidente, tumakas ang mga suspek habang dinala naman sa JRMMC ang biktima.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa biktima.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.