Lalaki, Kalaboso sa Tsokolate

KULUNGAN ANG kinabagsakan ng isang lalaki matapos na maakit sa masarap na tsokolate na naka-display sa isang mall sa lungsod ng Naga.

Kinilala ang suspek na si Hezenio Baduria, Jr. ng Flordes, bayan ng Milaor sa lalawigan ng Camarines Sur.

Batay sa impormasyon na nakalap ng mga awtoridad, papalabas na sana ng SM Supermarket si Baduria nang harangin ito ng security guard na si Raffy Brigito.

Nakuha sa loob ng bag ng suspek ang dalawang bar ng tsokolate na nagkakahalaga ng P198.

Samanatala, kasaluku-yang humihimas na ng malamig na rehas ang nasabing suspek habang desidido naman ang pamunuan ng SM na sampahan ito ng kaukulang kaso. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.