Lalaki, kalaboso nang tangkaing isama ang dating ka-live-in

KALABOSO ANG lalaki matapos pasukin ang kuwarto habang dala ang baril at piliting isama ang dating kinakasama sa Caloocan City kamakalawa ng madaling-araw.

Nahaharap sa kasong lllegal Possession of Firearm at Qualified Trespass to Dwelling si Bernard Peralta, 33 ng Martinez St., ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Angelita Dumincil, 24, ng Kabulusan I ng lungsod, alas-4:40 ng madaling-araw nang pasukin siya ng suspek sa loob ng kanyang kuwarto dala ang kalibre .38 at pilit siyang isinasama.

Ilang mga kaanak ng biktima ang humingi ng tulong sa mga pulis na naging dahilan upang res-pondehan at dinakip ang suspek bago dinala sa presinto kasama ang baril.

Inaalam na kung ano ang dahilan ng paghihiwalay ng dating mag-live-in.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.