Lalaki, hubo’t hubad na rumampa sa Baguio

ISANG MATINDING KOMOSYON ang naganap sa kahabaan ng Harrison Road sa Baguio City noong Martes ng hapon matapos na pumagitna sa naturang kalsada ang isang lalaki na nakabuyangyang ang kaselanan dahil wala itong anumang suot.

Ang komosyon ay natigil lamang nang dumating ang mga pulisya para kunin at dalhin ang naturang lalaki sa Baguio City Police Office Station 7 para imbestigahan.

Nabatid na ang lalaki, na nakilalang si Jefferson Angeles, ay may diperensiya sa pag-iisip gaya ng nakasaad sa ID nito.

Matapos na malaman ng pulisya ang kalagayan ni Angeles, agad nilang kinontak ang tatay nito na dumating naman para kunin ang anak at dalhin sa Baguio Hospital Mental Health Building.

“Noong bata pa kasi, epileptic na siya. Hindi siya magamot. Ang ginagawa ko, lagi ko na lamang siyang pinagsusuot ng ID para kapag nawala siya, hindi ako mahihirapan sa paghahanap sa kanya,” ayon sa Tatay nitong si Jose.

(ROLANDO S. GAMOSO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.