Lalaki, Dedo sa Love Triangle

LOVE TRIANGLE ang isa sa tinitignang dahilan upang barilin at mapatay ang isang lalaki ng hindi pa kilalang suspek sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa Martinez Memorial Hospital sanhi ng tama ng bala sa ulo si Danilo Pascual, alyas Bitoy, 54 ng Santos St., Maypajo ng lungsod.

Sa ulat, alas-6:30 ng gabi, naglalakad ang biktima sa Guido St., Maypajo ng lungsod nang mula sa likod ay sumulpot ang suspek at putukan ang biktima.

Tumakas ang suspek habang dinala ang biktima sa MMH, kung saan nabatid sa anak ng biktima na may lover ang kanyang ama kung kaya lumalabas na love triangle ang dahilan ng insidente.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang suspek at dahilan upang patayin ang biktima.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.